Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Greg ‘nakalusot’ kay Fernandez

0 264

HINDI maiaalis ang malaking tulong na naibigay ng PBA legend na si Ramon Fernandez sa kaprobinsiya nito na si June Mar Fajardo, main man na ngayon ng San Miguel Beermen, na ginabayan niya sa mga unang taon ng paglalaro para sa University of Cebu.

Tulad ni Fajardo, nakatakda rin sanang magabayan ng tinaguriang El Presidente ang sentro ng NorthPort Batang Pier na si Greg Slaughter kung hindi lamang nag-iba ang ihip ng hangin at nagdesisyon na lumipat ng eskuwelahan.

“Noong dumating si Slaughter sa Cebu, same thing with June Mar, ang ginawa ni Atty. [Baldomero] Estenzo, tinawag niya ako,” sabi ni Fernandez ukol sa matagal na manager ng University of Cebu basketball program.

“[Sabi nya], ‘Mon, meron akong player galing Germany or German yung tatay. ‘Yung mother kasi ni Slaughter, studied in University of Cebu. So nung nalaman niyang dumating, sa kanya kaagad nagpunta ‘yung nanay.”

Dahil sa kahilingan ni Estenzo ay agad na tiningnan ni Fernandez si Slaughter na una nitong pagkakataon na makita sa practice.

SM food to go Banner Ad

“First practice day ni Slaughter sa YMCA, ininvite niya ako, pinatignan sa akin. They were practicing and all that, they were warming up and playing a little bit, he was sluggish at that time noong umpisa,” sabi ni Fernandez.

Gayunman, hindi na naganap ang dapat sanang pagtuturo ni Fernandez kay Slaughter dahil ang huli ay lumipat na sa karibal na University of Visayas.

“After a week, lumipat na sa University of Visayas,” sabi ni Fernandez.

Kasalukuyan nang may anim na MVP sa PBA si Fajardo samantalang kakalipat lang ni Slaughter sa NorthPort mula sa Barangay Ginebra kapalit ni Christian Standhardinger. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.