Abante Tonite Interactive

Greta nangangamoy-giyera kay Kristeta

232

tonite-pak-allan-dionesKinukuwestyon ang motibo ni Gretchen Barretto sa bigla nitong ‘pagsawsaw’ sa isyu nina Kris Aquino at Nicko Falcis.

Kahapon ay may post si Gretchen sa kanyang Instagram account ng screenshot ng article kung saan binunyag ni Nicko ang pagbabanta umano ni Kris sa kanyang buhay.

“Nicko Falcis swears Kris Aquino said: ‘PAPAPATAY KA NG PAMILYA KO,’” ang titulo ng nasabing article sa isang showbiz site.

Abante Hiring – IT dep

Caption dito ni Gretchen, “I feel for Mr. Nicko Falcis after reading this article. I salute him for his courage to speak the truth, fight for his family name & reputation inspite of the threat to his life No to bullies!!!! STOP POWER TRIPPING!”

Tanong ng netizens, anong alam ni Gretchen at biglang nakisali ito sa Kris-Nicko issue? Naranasan na rin daw ba ni Greta na pagbantaan ang buhay at ma-bully?!

Bakit daw biglang pa-relevant si La Greta, eh hindi naman nakikialam si Kristeta sa kanya? May galit daw ba si Gretchen kay Kris?!

At saka ano raw ang alam ni Gretchen sa ‘fight for his family’ eh siya nga mismo ay estranged umano sa sarili niyang pamilya?

“A trying-hard socialite wanting to be a Cojuangco going against a legit Cojuangco? This will be fun! May kalalagyan ka Gretchen,” ang mataray na comment ng isang netizen.

Naka-disable ang mga comment sa post na ‘yon ni Greta, so walang mababasang komento, puwede lang itong i-like.

As of kahapon ng hapon ay wala pang reaksyon dito ang palareak at patolera ring si Kris, so abang-abang ang madlang people sa magiging buwelta nito kay Gretchen.

Taruszh! Tila may bagong showbiz talakan na magaganap: Kristeta versus Greta!

Kanino kayo kampi? Ilabas na ang popcorn! PAK na PAK!!

Hunky kapamilya nega

Mula sa pagiging isa sa hottest stars ng 2018, biglang-bigla ay naging nega ang dating ni Tony Labrusca sa pagpasok ng 2019.

Hindi naman kasi talaga tamang magtatalak at magpakita ng kagaspangan ng ugali sa immigration officer sa airport, so mali talaga roon ang hunky Kapamilya actor.

In fairness ay nag-­sorry na si Tony at inamin ang kanyang pagkakamali. Ayon sa kanya, wala siyang tinawag na stupid o idiot at hindi rin daw niya ipinagyabang ang kanyang pagiging celebrity.

Ang pagkakamali raw ng 23-anyos na Fil-Am hunk ay mas nanaig ang kanyang emosyon dahil galing siya sa mahabang biyahe mula Canada and he is ‘deeply sorry’ sa naging reaksyon niya.

May sariling version ang kaibigan ni Tony na si Alex Diaz sa nangyari.

Pinuri nito si Tony kung paano nito hinandle ang sitwasyon sa airport.

Maging si Alex ay nilapitan daw ng ilang immigration officers na nagpi-fish umano sa kanya ng info. May iba pang hanash si Alex tungkol sa naging experience niya sa immigration officers.

Ang sabi ng 24-an­yos na Canadian citizen na si Alex, tao lang si Tony na nagkakamali. ‘Yung immigration officials daw na nagsabing hindi nila kilala si Tony ay tinira raw agad si Tony sa social media.

“Sana we hunt for both sides always before passing judgement, slandering or defaming people,” tweet ni Alex.

Pero agree kami na hindi dapat gamitin ‘yung airport issue kay Tony para kuwestyunin ang sekswalidad nito o i-out ang pagiging ba­ding nito (kung totoo man na gay ito).

Walang karapatan ang sinuman na i-out ang kahit na sino dahil ‘yung mismong taong involved lang ang dapat gumawa nu’n.

At saka 2019 na! My gosh, big deal pa ba kung bading man si ganito o si ganyang ­artista?! PAK!!