Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Gretchen, Claudine amoy giyera ulit kay Marjorie

0 297

Sa live IG session ni Claudine Barretto, klinaro ng aktres ang kumakalat na balita na may malaking pagkakautang daw umano siya kay Jinkee Pacquiao.

Ayon kay Clau, wala raw katotohanan ang nasabing tsismis.

Nagsalita na raw siya dahil sa hindi mamatay-matay ang naturang tsika .Nahihiya na rin siya kina Manny at Jinkee dahil nadra-drag ang mga pangalan ng mga ito.

Hirit pa ni Clau, may ideya na raw siya kung sino ang nagkakalat ng nasabing tsismis.

Sabat naman ng kanyang sister na si Gretchen, dapat daw ay pangalanan ni Claudine ang nabanggit na rumormonger.

Maririnig din sa nabanggit na video ang pagtatanong ni La Greta kung sino ang nagkakalat ng balita na hindi naman tahasang sinagot ng Optimum Star.

Pagtatanggol naman ni Gretchen, may pera raw naman ang kapatid niya. Kaya lang minsan ay magastos ito at ipinamimigay lang ang pera.

Sey naman ni Gretch, kaya raw sila nagli-live ay dahil gusto lang nilang linawin ang mga bagay-bagay.

May mga pagkakataon daw kasing kailangang magsalita para klaruhin ang reputasyon ng kapatid .May mga bagay namang kailangan nilang idaan ito sa lawyer para maging fair ang lahat kung sakaling mauuwi sa pagsasampa ng asunto ang kanilang kinakaharap sa kasalukuyan.

Sa ngayon daw ay kumukunsulta na rin daw sila ng abogado at sa tamang panahon ay baka magulat na lang daw ang lahat sa mga pangyayari sa kanilang buhay.

Dahil sa kanilang naging mga pahayag, may mga katekatera namang nag-opinyon na any moment daw ay baka muling sumiklab ang giyera ng Barretto. Ito’y dahil hindi pa tuluyang nareresolba ang kanilang mga isyu.

SM SuperKidsDay Banner Ad

May mga humuhula kasi na dawit umano si Marjorie Barretto sa plano ng dalawa.

Gonzaga inakusahang balimbing

Marami ang nagulat nang maging panauhin ni Toni Gonzaga ang dating senador na si Bongbong Marcos sa kanyang online talk show na Toni Talks.

May mga netizen namang nag-react na “not in good taste” umano ang naging panayam ng actress turned vlogger sa napapabalitang 2022 presidential aspirant.

May mga nag-aakusa ring balimbing ang aktres to think na naging guest din nito ang Vice President na si Leni Robredo sa kanyang show. Matatandaan na magkalaban ang dalawa sa posisyon.

Hirit pa ng ilang bashers, hindi pa raw ‘woke’ si Toni dahil hindi nito naiintindihan ang kanyang social responsibility sa kanyang followers.

Ikinumpara rin ang kanyang naging interbyu kay VP Leni kung saan naging emosyonal pa ang aktres tungkol sa masaklap na sinapit sa isang trahedya ng asawa ng bise presidente.

Sey naman ng ilang bitchy netizens na nakikisawsaw, hindi raw sila nagtataka sa pagbibigay ng espasyo ni Toni kay Bongbong dahil ninong niya ito sa kasal.

Pagtatanggol naman ng iba, non-partisan daw o wala raw kinakampihan si Toni dahil parehas daw naman ito .Lahat ng panig ay bukas o napapakinggan sa kanyang show.

Katunayan, nakapanayam na rin daw nito sa kanyang vlog ang Manila Mayor na si Isko Moreno na matunog din ang pangalan sa pagiging presidential aspirant sa 2022 national election.

Hindi rin daw sila mamamangha kung ang boxing icon naman ang isa sa ma-interbyu nito sa mga susunod nitong episode.

Leave A Reply

Your email address will not be published.