Abante Tonite Interactive

Gretchen Diez pa-victim sa kubeta

2,560

Banyo queen buking sa CCTV
Ni Ronaline Avecilla

Kamakailan ay nag-viral ang Facebook live video ng transgender woman na si Gretchen Diez, dahil sa naging komprontasyon nito sa dalawang janitress ng Farmer’s Plaza Mall.

Subalit hindi buo ang istorya at hindi kumbinsido ang iba dahil walang nakakaalam­ sa kung ano ang tunay na pangyayari sa loob ng CR.

Matibay ang hawak na ebidensya ni Diez laban sa dalawang janitress dahil sa kaniyang Facebook live video, pero ang CCTV footage ang magpapaliwanag sa tunay na insidente.

Nitong August 19 ay ikinuwento ni Senate President Tito Sotto kay Ted Failon ang nilalaman ng CCTV footage ng CR na pinangyarihan.

Ani Tito Sotto, may pila sa ladies room noong mga panahong iyon at makikita ang paglabas ng isang babae na nagreklamo sa dalawang janitress tungkol sa lalaki na pumasok umano sa loob.

Sa una ay hindi pa nila pinansin pero sa ikalawang babaeng nagsabi ay umaksyon na sila dahil sa reklamo na nagbibihis babae umano ang lalaki.

Lumapit ang janitress para magpaalala na ‘wag pumasok sa ladies room dahil sa mga nagrereklamo. Itinuro naman ng janitress ang ibang palikuran na puwede niyang gamitin, katulad ng PWD o third toilet ng mall.

Umalis din agad ang janitress at sa pagbabalik nito ay nag-Facebook live video na si Diez.

Ang kanilang komprontasyon ay naganap dahil sa pagvi-video umano ni Diez sa janitress na mariin nitong pinahihintulutan.

Ito naman ang naging daan ni Diez para mapaabot sa mga nakakapanood ang insidente na sa tingin niya ay uri ng diskriminasyon sa mga LGBTQ community. Nakahakot si Diez ng atensyon mula sa publiko. Kaya’t hindi naiwasan na tawagin siya umanong famewhore at uhaw sa pansin.

Lalo na at natuon ang atensyon sa kanya ng publiko nang makipagpulong siya kay Pangulong Rodrigo Duterte para pag-usapan ang equality bill.

Ngayong naikuwento na ang laman ng CCTV footage, hiling ng mga netizen na ilabas ito sa publiko para maging patas sa dalawang janitress na binatikos kahit ginawa lamang ang responsibilidad nila.

Ipinaliwanag din ni Senator Sotto ang kaibahan ni Diez sa Congresswoman na si Geraldine Roman na isa ring ganap na transgender.

Ani Sen. Sotto, “Iba ang sitwasyon ni Congresswoman Geraldine Roman. Siya ay babae na ‘eh. So, walang problema sa kababaihan.”

Sa ngayon ay hindi pa alam ang magi­ging­­ desisyon ng Kamara dahil sa paglabas ng CCTV footage na magsisilbing ebidensiya.