Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Gretchen dinedma ng sikat na aktres

0 833

Kumbaga sa takilya, masasabing blockbuster ang ginagawang pamumudmod ni Gretchen Barretto ng kanyang lovebox at paayuda ngayong Pasko.

Ito ay kahit wala naman siyang ginagawang pelikula o serye sa kasalukuyan.

Maituturing naman talagang kapuri-puri ang pagkakawanggawa ni La Greta sa panahon ng pandemya.

Kaya naman, doon pa lang ay mararamdaman mo na ang kanyang marubdob na pagmamalasakit at haplos ng pagmamahal sa kanyang mga kasamahan sa industriya.

May unconfirmed report din na pati ang producer niya noon ay naging recipient ng kanyang love box.

Maging ang kanyang bonggang bahay ay naging bodega na rin ng items na kanyang ipinamumudmod.

Dahil dito, hindi maiiwasang maikumpara ng ilang kibitzers ang aktres sa ibang kilalang personalidad na aktibo naman sa mga raket nila.

May nang-uurot din na sana gayahin nina Angel Locsin, Marian Rivera, Anne Curtis, Vice Ganda, Coco Martin atbp. ang pagkakawanggawa ng actress na sa totoo lang ay tumutulong naman sa kanilang chosen charities.

Pero ano itong tweet ng isang birdie na isa raw kilalang actress ang tinanggihan ang love offering ni Gretchen.

Nasaling daw ang ego nito dahil sa true lang ay mas malakas ang ganansiya niya kay Greta bilang artista.

Feeling din niya, hindi naman siya isang purdoy para bigyan ng ayuda.

Cara ayaw ng may kasalo

Mapangahas ang role ni Cara Gonzales sa pelikulang Palitan ni Brillante Mendoza.

Hindi lang sa hombre siya nakipag-lovemaking kundi sa kapuwa niya babae.

Aniya, ginawa raw niya ang lahat para maging makatotohanan ang kanyang pagganap sa pelikula.

Tungkol naman sa magkarelasyong nagre-resort sa partner-swapping para magkaroon ng excitement ang kanilang buhay, ayaw raw niyang i-judge ang mga ito.

Hirit pa niya, sa panahon ngayon, isang reyalidad na raw naman na may mga taong nagi-eksperimento ng threesome o foursome.

Dagdag pa niya, bilang artista, ginawa lang daw niya ang kanyang magagawa para maging truthful siya sa kanyang role.

Sa tanong naman kung okey lang sa kanyang i-share ang kanyang partner sa ibang babae, aniya, ayaw daw niya ang merong kasalo.

“Sa ibang tao, ok lang pero may iba’t-iba naman tayong personalidad at opinyon. In my opinion, di ko kayang makipagpalit sa ibang tao.Kung meron akong karelasyon, doon lang ako,” paliwanag niya.

“Bilang respeto na rin iyon sa partner mo, ” pahabol niya.

Rash palaban sa mga bading

First starring role ni Rash Flores ang pelikulang ‘Palitan’ ni direk Brillante Mendoza.

Aniya, honored daw siya na maidirehe ng multi-awarded at internationally acclaimed director na si Brillante Mendoza.

Katunayan, ibinigay raw niya ang lahat para maging makatotohanan ang pagganap niya sa role ni Al.

Game rin daw siya sa paghuhubad sa nasabing pelikula dahil bahagi raw iyon ng karakter niya.

Ani Rash, sa pelikula raw ay in-explore ang iba’t-ibang klase ng relasyon.

Hindi rin big deal sa kanya ang pakikipag-foursome sa pelikula.

Sa makabagong panahon, naniniwala raw siya sa gender equality or gender fluidity.

Katunayan, ayaw raw niyang magpakaipokrito.

May nakarelasyon na raw siyang gay once noong siya ay 13 years pa lamang.

Aniya, hindi raw naman niya ito ikinahihiya dahil tulad ng isa sa mga karakter ng pelikula, part daw ito ng exploration niya bilang tao.

Ang importante raw ay may natututunan siya sa kanyang mga naging karanasan.

Pagdating sa babae, two times pa lang daw siyang nagka-girlfriend.

Sa ngayon, ang pokus daw niya ay ang kanyang karera.

Challenge rin pala sa kanya ang mahigitan pa ang bawat role na bibigyang-buhay niya.

Kasama ni Rash sa Palitan sina Cara Gonzales, Luis Hontiveros at Jela Cuenca na palabas na sa Vivamax simula sa Disyembre 10.

Leave A Reply

Your email address will not be published.