Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Gretchen excited sa Pasko

0 72

Kahit Setyembre palang, ramdam na ramdam na ni former athlete-TV host Gretchen Ho ang Kapaskuhan.

“I have spent the past four years greeting the start of the Christmas season on TV w/ a loud ‘ho-ho-ho’,” sambit ng dating Philippine SuperLiga (PSL) at University Athletic Association of the Philippine (UAAP) volleyball star sa kanyang Instagram post nitong Miyerkoles.

Dagdag pa ng 30-year, 5-foot-6 na naglalaro noon sa posisyong middle blocker at open spiker, “Obviously my favorite season for obvious reasons and while it is sad that I can no longer do this on @ukgdos, the joy of the yuletide season will always be with me.”

Hindi rin makapaniwala at bumanat pa ang balibolista sa mga throwback photos na kanyang ipinaskil dahil aniya kuha ito “parang mga 6 months ago lang.”

“Let’s bring a little bit of Christmas to our social media feeds, shall we?! Ho ho ho *naghahanap na ng parol na isasabit,” panapos na sey ni Ho. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.