Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Gretchen inintriga sa ayuda kay Angel

0 291

Bukod sa isang magaling na aktres, isa ring pilantropo si Angel Locsin.

Kapag may mga kalamidad, laging aktibo ang aktres sa pangangalap ng mga donasyon para sa mga nasalanta.

Malaki rin ang naging kontribusyon ng aktres sa mga biktima ng Marawi siege noon.

Sa kasagsagan naman ng pandemya, nakapag-donate siya ng tents sa mga ospital para magamit ng Covid-19 patients.

Nagkaroon din siya ng kontrobersyal na pa-community pantry noon para sa mga taong apektado ng health crisis sa bansa.

Marami pang undocumented cases ng kabayanihan si Angel na minsan ay nalalaman mo na lamang sa mga taong natulungan niya tulad ng pagpapaospital ng isang pumanaw na lady scribe, pagbibigay ng financial assistance sa mga kasamahan sa trabaho atbp.

Lately, nanggulat si Gretchen Barretto dahil marami siyang pinasaya sa kanyang paayuda hindi lang sa movie press kundi sa mga kasamahan niya sa industriya.

Marami naman ang naka-appreciate sa pagi-share niya ng kanyang blessings kabilang na sina Manay Lolit Solis, Ellen Adarna, Ogie Diaz, at maging si Tali, ang anak nina Bossing Vic Sotto at Pauleen Luna.

Latest addition sa nakatanggap ng ayuda ay si Angel Locsin.

Sa kanyang Instagram account, nagpasalamat si Angel sa pagiging generous ni Gretchen.

May mga netizen namang nag-react sa pamumudmod ni Gretchen sa Kapamilya actress.

May mga nag-aampalaya na nagtatanong kung kailangan pa raw ba ng reyna ng ayuda ang tulong ni Gretchen?

May mga nagtatanggol namang walang masama sa pag-aalala ng reyna ng online sabong sa aktres.

Ito ang ilan sa kanilang mga reaksyon.

“Ang ayuda queen, inayudahan ng reyna ng önline sabong. Hehe.”

“Sana all. Sana gawing regular na rin ni Gretchen ang pagtulong tulad ni Gel.”

“Nice. Nakakatuwa naman ang numerong namimigay ng ayuda, siya naman ang inayudahan. How ironic.”

SM food to go Banner Ad

“Bet ba ni Gretchen na gayahin si Gel. Kakandidato ba siya?”

Daniel nabosohan sa pagbukaka

First time na mag-guest ni Daniel Padilla sa vlog ni Zanjoe Marudo.

Sa kanilang tsikahan with DJ, kasama ni Zanjoe ang kanyang kaibigan si Hyubs Azarcon.

Napag-usapan nila ang bagong sport ni Daniel na kinagigiliwan niya ngayon: ang golf.

Ani DJ, enjoy raw siya sa paglalaro ng golf.

Bukod daw sa nakaka-relax, nagpro-provide rin daw ito ng time sa kanya para sa meditation.

Nare-release rin daw ang lahat ng tensyon niya kapag pinagpapawisan na siya.

Hirit pa ng actor, naging bonding moments na rin daw nila ng kanyang amang si Rommel ang paglalaro ng golf bagamat hindi raw niya masasabing magaling na siya rito.

Habang nakikipaghuntahan si Daniel, prente itong nakaupo sa silya habang pakuya-kuyakoy at pabuka-bukaka.

Pinuna naman ni Zanjoe si Daniel na umayos sa pagkakaupo dahil nakitaan daw ito ng ‘balls’!

Sa Twitter account na @daks_padilla, naka-post ang nasabing eksena na may caption itong : “T___a ni Zanjoe, pinasara pa! Sarap na ng view, eh.”

Nag-react naman ang mga netizen sa ginawang pagpuna ni Zanjoe sa pagbuka-bukaka ni Daniel. Mukhang nabitin sila.

Hirit ng ilan, ‘daks’daw pala si Daniel .May mga nagsasabi namang wala silang naaninag sa pagbuka ng legs nito maliban sa nakumpirma ang ‘kadakilaan’ng pagkalalake nito sa hapit na shorts nito.

“Kj ni zanjoe!! Charot! Lol”

“Gentle giant Daniel😚”

“Lol! Sinadya yan, hindi edited kasi pampadami ng views! Curious ngayon ang mga tao”

Leave A Reply

Your email address will not be published.