Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Gretchen maarte sa bakuna

0 1,067

ROMMEL PLACENTE:May mga tao na matatapang pero takot nagpa-injection. Hindi nila keri ang karayom.

Sa kaso ng dating aktres na si Gretchen Barretto nagpabakuna na siya kamakailan.

Kilala naman natin mga ka-Cuatros na si Greta ay palaban, matapang at walang inuurungang laban. Di ba’t pati nga si Kris Aquino ay inaway niya before?

Pero kahit anong tapang ng isang tao ay may kinakatakutan din, di ba? Sa kaso ni Gretchen, nu’ng nagpabakuna siya ay napamura siya mga ka-Cuatros. Talagang nasabi niya yung P___ at @***t. Dahil dito, pinagtawanan siya ng nagbakuna sa kanya at ng mga nakarinig.Takot pala sa needle si La Greta.
Comment ng iba,maarte lang daw talaga siya. Sabi naman ng iba,ugali niya lang daw talaga ang nagpapansin.
Pero may mga nagtatanggol din naman sa kanya.Hindi raw arte yun May nga matatapang daw talaga na pagdating na sa pagbabakuna ay napi-freakout,naduduwag. Agree ako sa mga nagtatanggol kay Gretchen.
ROLDAN CASTRO: Napanood ko rin ang video na binabakunahan si Gretchen.

Kung babasahin mo ang comment sa site na ‘yun ay inaakusahan siyang OA.

May nagkomento pa ng “hindi normal yang kaartehan ni Greta. Mapapapikit ka, maybe. Mapapangiwi. Pero ‘yung yayakap ka sa HCW.”

Pero tama naman ‘yung sinasabi nila na kahit sino ang dumadaan sa karayom, lumalabas ang pagiging ordinaryo.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Mapapamura ka talaga sa takot at kabiglaanan at normal lang ‘yan. Hypocrite ka na lang kung mapapangiti ka pa habang tiniturukan, noh,” pagtatangol kay Greta.

Talbog!

MILDRED A. BACUD : Isa nga sa pinagpiyestahan ng mga basher ay si Gretchen na nu’ng nagpabakuna ay nakakapit sa isang nurse . Napanood ko ang video, at agree ako sa ibang komento na hindi naman ganun ka-violent ang reaksyon ni Greta. Para sa akin normal reaction lang ‘yun. Kasi kahit malalaki na tayo may takot pa rin ang iba sa karayom. Kung nagpupumiglas siya at nagsisigaw puwede, ‘yun ang OA siguro. Ang point naman ng iba sa dami raw ng fillers na pinalalagay ni Gretchen sa mukha ay dapat daw immune na siya sa karayom kaya sa tingin nila ay OA ito.

Reaksyon naman ng ibang netizens, baka raw ang takot ni Gretchen ay hindi lamang sa karayom kundi may agam- agam din siya kung magkakaroon ito ng side effect sa kanya.

RODEL FERNANDO: Maiba tayo mga ka-Cuatros nakakabilib ang Chairman ng Ayala Corporation na si Jaime Zobel de Ayala at pamilya niya. Nagpabakuna kasi silang mag-asawa kamakailan sa Makati na kahit kilala at mga prominenteng tao ay pumila sila. May nag-offer daw sa kanila na mauna na sa pila pero inayawan ito ni Don Jaime at sinabing, “No, we’re all Filipinos.”

Ganito rin daw ang nakitang senaryo sa kaniyang anak na si Jaime Augusto Zobel de Ayala na matiyaga ring naghintay at pumila. Dahil dito, maraming pumuri sa pamilya na kahit mayayaman daw at may sinasabi ay hindi nila ginagamit ang power nila sa mga ganitong pagkakataon.

Samantala, binabatikos naman ang Quezon City goverment dahil sa sunud-sunod na pagbabakuna ng mga showbiz celebrities. Mas unuuna pa raw sila kesa sa mga senior citizen. Pero in fairness naman sa nasasakupan ni Mayor Joy Belmonte, marami nang mga senior citizen ang nabakunahan. Hindi lang naman kasi sila nababalita tulad ng mga nasa showbiz.

Leave A Reply

Your email address will not be published.