Abante Tonite Interactive

Gretchen, Marjorie nagpapatutsadahan sa Instagram

552

Pati sa kani-kanilang Instagram profile ay tila nagsasagutan ang magkapatid na Gretchen at Marjorie Barretto. Makikita na sa IG bio ni Greta ang word na “ghost buster” habang ang ina ni Julia Barretto naman ay “ghost writer” na ang mababasa.

Matatandaang ang term na “ghost writer” ay ginamit ni Greta sa isang komento niya hinggil sa matapang na pahayag ni Julia Barretto against Bea Alonzo.

“The fact that they hired a ghost writter (sic) for this post is hilarious & makes her sound desperate to salvage whatever is left,” ang komento ni Gretchen sa isang IG post ng isang netizen na nagsabing wrong move raw ang ginawa ni Julia sa pagsagot kay Bea.

Sa nasabing komento rin idineklara ni Greta na Team Bea siya.

Malinaw na ang pagpapalit ng description ni Marjorie sa kanyang IG profile ng “ghost writer” ay pagsagot sa akusasyon ng kanyang kapatid at parang indirect pag-amin na rin na siya talaga ang ghost writer ni Julia sa sagot na iyon against Bea.

Anyway, marami namang netizen ang naaliw sa sagutan ng magkapatid sa IG description. Pero karamihan ng nabasa namin ay kampi kay Greta at mas marami ang nangba-bash kay Marjorie.

“Nag move on na nga daw si Julia pero itong si mother naman papansin.

Pakape kape pachill chill with kids but at the end triggered pala itong mga itey. Hahaha,” komento ng isang netizen sa isang online site.

“Kailangan nilang mapag-usapan kasi May movie si Julia this month… Huwag niyo na lang siya pansinin. Deadma na lang,” komento naman ng isa.

Ken binura si Boyet

Masayang-masaya rin si Ken Chan sa big success ng pelikula ng kapwa Kapuso star na si Alden Richards na Hello, Love, Goodbye with Kathryn Bernardo under Star Cinema.

“Congratulations sa kanila, sobrang laki ng kinita nila,” wika ni Ken nang makatsikahan namin sa launching ng kanyang bagong business, ang Ken Chan X Peculiar Eyewear.

When asked kung willing din ba siyang makipag-collaborate sa ibang production outfit tulad ng Star Cinema, ani Ken ay “of course.”

He added, “alam mo, sa totoo lang, napakagandang way nito para mawala na ang rivalry. Sobrang taas na ng rivalry dito sa Philippines, kahit naman sa ibang bansa.

“Naniniwala ko na ito ang one way para mawala ang rivalry. Hindi kasi ako naniniwala sa rivalry. Ayaw natin ng ganu’n, ayaw natin ng kumpetisyon. Bakit hindi tayo magtrabaho nang matiwasay?”

Maganda nga raw ‘yung nangyari rin kina Alden, Dingdong Dantes at iba pang Kapuso stars na naka-cross over sa Kapamilya network at napakaganda raw makita na nagtutulungan ang mga network.

Samantala, sobrang excited na rin ang aktor sa upcoming primetime romantic-comedy series nila ni Rita Daniela na One of the Baes na magsisimula na sa September.

“Happy kami ni Rita, after ng My Special Tatay (their last drama series), nag-uusap kaming dalawa kung ano ‘yung gusto naming gawing project. Sabi namin, “sana, love story.” So, happy kami na binigay sa amin itong romantic comedy,” he said.

For this series ay nagpakulay pa ng gray si Ken sa kanyang hair para naman daw maiba ang look niya at mawala ang trace ni Boyet na karakter niya sa My Special Tatay.

Hanggang ngayon daw kasi ay hindi pa mabitaw-bitawan ng mga tao si Boyet kaya talagang nag-isip siya ng way para totally ay maiba ang karakter niya sa dating role.

Bumagay naman kay Ken ang kanyang new look at totally ay ibang-iba naman talaga sa dati niyang look sa My Special Tatay.