Abante Tonite Interactive

Gretchen nag-react sa bagong girl ni Robi

By
534

Matapos ang kanyang much publicised romance at break up sa estrellang volleyball player na si Gretchen Ho, si Robi Domingo, ang host na pakiwari ko ay katunog ni Luis Manzano sa pagsasalita, walang halong pag-iimbot at buong katapatang inamin na oo, meron bagong dalaga na nagpapatibok sa kanyang puso.

Si Maqui Pineda umano ang lady sa “Im da­ting” status ni Robi. College batchmate niya pala ito. Si Pineda ay staunch lover at supporter ng local movies at arts scene, kuwento iyan ni Domingo sa isang panayam.

Inamin niyang masaya at kinikilig siya sa piling ni Maqui.

Sa taong na kung ang dalaga na nga ba ito ay para sa isang pang-seryosohan na relasyon, ang sagot ni Robi sa panayam, “
“Whene­ver I enter in a relationship, hopefully dun na. Hindi naman ako pupunta sa isang relasyon kung maglalaro lang ako. Hindi pa handa pero hinahanda ang sarili.”

Samantala, tanggap naman ng kanyang ex-girlfriend na si Gretchen Ho na naka-move on na si Robi.

Deserving daw ang lahat na lumigaya.
“I’m really, really, genuine­ly happy for him,” reaksyon niya sa isang tsikahan.