Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Gretchen pasalamat sa Kapamilya network

0 316

Labis na pasasalamat ang inialay ni Kapamilya athlete-host Gretchen Ho sa pamamaalam ng ABS-CBN Sports + Action channel 23.

“That’s it. ABS-CBN Sports officially signs off. Love you fam @abscbnsports thank you for everything,” tweet noong Huwebes ni Ho na dating naglaro sa UAAP na umeere sa nasabing TV station.

“I literally grew up with you. The season may be over. But the fight lives on. You can count on it . Thank you @abscbnsports,” saad pa ng former Philippine SuperLiga (PSL) star.

Kahit ang ilang mga atleta’y may mensahe at pasalamat din sa ABS-CBN Sports na hindi ni-renew ang extension ng prangkisa noong isang linggo ng Kongreso.

“Kasama ko sa pagtupad ng aking mga pangarap, maraming salamat, @abscbnsports!” ani Premier Volleyball League (PVL) star Alyssa Valdez via Twitter.

Ang iba pang mga nagpasalamat ay sina UAAP star Ricci Rivero ng UP, BanKo Perlas volleybelle Kathy Bersola, at Denden Lazaro ng Choco Mucho. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.