Abante Tonite Interactive

Gretchen pinatigil ni Tonyboy

669

Ikinuwento ni Gretchen Barretto sa Instagram post niya ang kanyang appreciation para kay Tonyboy Cojuangco.

Nang dahil sa kanyang longtime partner ay naging hands-on mommy siya kay Dominique.

Isiniwalat niya na pinatigil umano siya sa pagtatrabaho ni Tony para samahan ang anak sa pag-aaral nito ng kursong fashion design sa prestihiyosong fashion school na Instituto Marangoni London.

“I went to school with you because I had the luxury to go to school with you. So thank Dada (Cojuangco),” ani Gretchen. Labis ang pasasalamat niya dahil nakatagpo siya ng isang perfect na ama sa kanyang anak.

Dagdag pa ni Gretchen, “I would not be this kind of mother if not for tony who is a hands-on father and a great provider.

“I was blessed to be able to retire from work and be a full-time mom. I experienced the joy of motherhood every step of the way.” (Ronaline Avecilla)