Abante Tonite Interactive

Gretchen pinitik sa luho

0 670

tonite-diva-chronicles-alwin-ignacioBago dumating ang Semana Santa, si Gretchen­ Barretto, ipinakita sa balana ang kanyang walk-in-closet sa kanyang social media site. Ang pagpapakita ni Barretto ay tipong Imeldific move umano.

Dahil nga sa pangyayari, tawag pansin talaga ang kanyang pagmamaganda sa mga basher at hater. Isang halimbawa ng pambabatikos kay La Barretto, mula sa isang netizen, “materialistic talaga si @gretchenbarretto kahit puro ginto ang buong bahay mo di mo pa rin pera ang pinangbili mo kabit @gretchen­barretto hay naku maluho ka talaga.”

Dahil nga may bayag at walang takot ang netizen, talagang super tagged niya ito kaya ang babaing kadalasan ay sumasawsaw sa mga isyung hindi naman siya kasali, may reaksyon: “ONE THING IS FOR CERTAIN, i may be called a Mistress/ kabit etc BUT I WILL NEVER DREAM OF TRADING PLACES WITH ANY BASHER FOR THE SIMPLE REASON THAT YOU ARE ENVIOUS& Bitter [heart emoji] the fact that you have time to waste on viewing my posts and bashing only means you are utterly disgusted with how your life id [heart emoji]”
Hiyang-hiya naman ako sa moralidad ni Barretto. Porke pinupuna ang ostentatious display of your wealth envious at bitter agad?

Abante Hiring – IT dep

Ipinapaalala lang sa iyo na mali ang pangangalunya lalo na nga’t legally married pa rin ang iyong lalaki sa kanyang tunay na misis, may pagkasuya na agad sa kanyang buhay ang magkokomento sa iyong high, flying adorned life?

Hindi ka ba puwedeng sala­ngin, pitikin o ipaalala sa iyo na kahit kailan, kahit anong yaman meron ka, ang mali ay hindi magiging tama?

Ang diva that you love, hindi ka pinag-aksayahan ng panahon ngayong tinitipa ito. Sa mga makakabasa, lalo na sa kababaihan, gusto ko lang mabatid niyong lahat, na kahit kailan, hindi dapat ipagmalaki o ipagmayabang ang pagiging kabit.

Na kahit anong ganda mo, branded ang iyong mga sinusuot na mga damit at accessories, na nabibili mo ang iyong nasa, na maaaring marami kang pera sa bangko, ang pagiging kabit ay hindi dapat tularan, gawing ambisyon at ang ganiyang babae ay hindi dapat gawing inspirasyon o sundan ang yapak.

Kaya sa mga basher at hater ni La Greta, huwag na kayong magkomento pa o sundan siya sa kanyang social media site. Huwag pansinin ang babaing ang kanyang pakiwari siya ang bukod tanging babaing pinagpala sa lahat.

Ang mali ay mali. Ang kabit kahit kailan, malaki ang kasalanan sa tunay na asawa at mga taong kanyang sinaktan. Hayaan na natin siya sa kanyang ilusyon at pagkukunwari na siya ay kainggit-inggit.
***

Eddie, Tony best actor sa WorldFest-Houston

Mabuhay ang Pilipinas! Mabuhay ang mga artistang Pinoy at pelikulang Pilipino! Dapat magbunyi at magdiwang dahil ang ‘Rainbow Sunset’ at ‘School Service’, nagtagumpay sa katatapos lamang na 52nd WorldFest-Houston International Film Festival.

Ang buhay na alamat at Pambansang Kayamanan, si Ginoong Eddie Garcia at theater icon at Tony Mabesa, kapwa inuwi at nagtabla rin sa Best Actor award!

Mahusay ka, at mabuhay ka rin, Eric Ramos dahil siya naman ang wagi sa Best Story Innovation award para sa nasabing pelikula.

Palakpakan na may kasamang sigawan rin para kay Direk Louie Ignacio na ang mga napagwagian ay ang Gold Remi Awards para sa ‘School Service’, ang Asian Regional best moral award at theatrical feature film productions – foreign award. Ang kanyang maik­ling pelikulang ‘Ngiti ng Nazareno’ na pinagbibidahan ni Kenken Nuyad, Bronze Remi award ang inuwi.”

‘Di ba, ang saya-saya ‘pag ganito ang mga balita. Yabang Pinoy indeed a great kind of way! We all deserve these victories!