Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Gretchen presyo ng bahay, lupa ang gastos sa ayuda

0 391

NI: ARCHIE LIAO

Samu’t saring teorya ng kibitzers ang nagsulputan dahil sa biglaang pagkawala ng Instagram account ng actress na si Gretchen Barretto.

May mga duduso kasing nagsasabing maaaring hindi raw technical glitz ang nangyari.

Malamang daw ay kusang nag-deactivate sa kanyang social media account ang pilantropong aktres.

Ito ay sa kabila ng panawagan ng kanyang anak na si Dominique ng tulong mula sa technical experts na imbestigahan ang naturang insidente.

Hirit tuloy ng mga mahadera, hindi raw kaya na-stress ang businesswoman at socialite dahil sa inulan ito ng requests sa ayuda lalo na sa mga taong hindi naman nito kilala.

Na-stalk din kaya ito katulad ng colleague namin at kasamahan sa PMPC na si France Simeon na close friend ng aktres.

For the record, kapuri-puri naman talaga ang ginagawang pagtulong ni Gretchen sa entertainment press at sa mga naging kasamahan niya sa trabaho sa panahon ng pandemya.

Masasabing wala rin itong hidden agenda lalo pa’t hindi naman siya kumakandidato sa anumang public position o sa politika.

Pero, siyempre, may limitasyon din naman ang resources ng aktres dahil of course, ang prayoridad niya talaga ay iyong mga taong higit na nangangailangan.

Pero how true na malaki na raw ang inabot ng gastos sa ayuda ni Gretchen? Keri na raw bumili ng bahay at lupa.

Leave A Reply

Your email address will not be published.