Abante Tonite Interactive

Gretchen sabik nang pumadyak

0 270

LAMPAS dalawang buwan na ang Enhanced Community Quarantine sa Metro Manila at ibang bahagi ng bansa dulot pa rin ng coronavirus pandemic.

Karamihan sa mga atleta, sa kani-kanilang bahay lang nagwo-workoout at nagpapakondisyon dahil suspendido muna ang mga sports activity.

Si athlete-host Gretchen Ho, sabik nang pumedal at gamitin ang kanyang mountain bike.

“I wonder how the roads look like nowadays…hmmm. Getting my gear ready,” ayon sa Instagram post ni Ho na may larawan ng kanyang bisikleta.

Kilala si Ho bilang dating Ateneo volleyball player at naging sports show host kinalaunan.

Mahilig din ito sa iba’t ibang uri ng sports at lumalahok sa mga bikefest. (Ferdz Delos Santos)

Tonite – Wendys Inhouse Ad