Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Gretchen sinopla si Lolit

0 1,513

NI:ARCHIE LIAO

Sinopla ni Gretchen Barretto ang beteranong kolumnista at movie scribe na si Lolit Solis.

Sa post kasi ni Lolit sa kanyang IG account, inalala nito ang dapat daw ay donasyon ni Gretchen na P150k sa mga showbiz reporters na na-Luz Valdez.

Inudyukan din niya si Gretchen na mag-donate na lang muli sa panahon ng pandemic sa pamamagitan ng kanyang kaibigan na si Bettina Aspillaga.

Sa pagbabalik-tanaw pa noon ni Lolit, gusto raw siya noong makausap nang personal tungkol sa 150K na isyu.

Sa pag-uusisa ng isang @degleur kay Gretchen tungkol sa lumang isyu, prangka nitong sinagot ng dating aktres na : “I SENSE DESPERATION & COERCION. I DO NOT FANCY COERCION. THE LAST PHRASE IS A CHALLENGE) LOLIT SAYS, ( OR ELSE INVESTIGATE KO ULIT, WHEN WHERE, WHAT AT WHO HEHE)

Hindi pa rin nagpaawat ang beteranang movie scribe at sinabing kaya raw niya naungkat ang lahat ay dahil wala pa raw closure ang isyu.

Katunayan, marami na raw pangalan ang nagamit, nadamay at nagkasakitan pa ng loob pero hanggang ngayon ay walang linaw kung saan napunta ang 150k.

Kung sakali raw, pag nagkataon, tatanggapin na lang daw niya ang imbitasyon ni Atong Ang na magmerienda sila para makuha ang sagot sa nabanggit na isyu.

Sagot naman ni Gretchen: “IN SHORT …THE WORLD IS GOING THROUGH A PANDEMIC. PEOPLE ALL OVER THE WORLD HAVE LOST THEIR LIVELIHOOD, SOME HAVE LOST THEIR LOVED ONES TO COVID-19 . ABS CBN HAS BEEN SHUT DOWN , OUR FELLOW ACTORS & WORKERS FROM SHOW BUSINESS HAVE LOST THEIR JOBS & SOME EVEN THEIR MIND. THIS IS NO LONGER ABOUT JUST P150k ) THIS IS NO LONGER JUST ABOUT YOU OR ME , THIS IS ABOUT LOOKING AT THE GREATER GOOD FOR ALL MANKIND. IT IS NOT A TIME FOR COERCION. IT IS THE TIME FOR COMPASSION, UNDERSTANDING & FORGIVENESS & LOVE & MOST OF ALL IT IS A TIME TO KNEEL BEFORE GOD & PRAY , NOT JUST FOR YOURSELF BUT FOR OUR INDUSTRY AND THE WORLD.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.