Abante Tonite Interactive

Grethcel, Alyssa four-peat sa beach volley

92

Totoo sa kanilang pa­ngako, kinumpleto nina Grethcel Soltones at Alyssa Eroa ang four-peat ng San Sebastian sa 92nd NCAA beach ­volley nang kalusin sina San Beda twins Ma. ­Nieza at Ma. Jeziela ­Viray 16-21, 21-15, 15-11 sa finale sa Subic Bay sands sa harap ng Subic Park Hotel kahapon.

Dinomina nina Sol­tones at Eroa ang season sa pagwalis sa 10 laro para itakbo ang pang-apat na sunod na korona at sa seven overall titles ay maging most titled NCAA school sa sport.

Bawi rin sina Soltones at Eroa matapos ang ka­biguan ng Lady Stags sa NCAA indoor volleyball nang malusaw ang thrice-to-beat advantage at yumuko sa Arellano U Lady Chiefs.

“Goodbye and thank you coach for helping us get here,” ani Soltones, nabigyan ng grand sendoff sa kanyang final season, patungkol sa coach nilang si Roger Gorayeb.

Minalas pang inabot ng left ankle twist si Ma. Nieza sa first set, pero pinaba­lutan lang ng bandage ang paa at itinuloy ang laro. Sinamantala nina Soltones at Eroa ang pagkakataon para itakbo ang titulo.

Sa juniors, kinalos ng Emilio Aguinaldo College ang Letran 24-22, 21-15 para bawiin ang championship na huling napasakamay dalawang taon na ang nakakaraan.