Abante Tonite Interactive

GRETHCEL, LADY STAGS PALABAN

94

Mga laro ngayon (Ynares Sports Arena)
11:00 a.m. — St. Benilde vs. La Salle ­(S Turf)
1:00 p.m. — UP vs. EAC (S Turf)
4:00 p.m. — UP vs. San Beda (V-League)
6:00 p.m. — San Sebastian vs. Perpetual Help (V-League)

Dadalhin ni Grethcel Soltones ang kanyang strong performance sa Shakey’s V-League Open Conference sa San Sebastian College para maging palaban sa pagbubukas ng Season 13 Collegiate Conference sa Ynares Arena sa Pasig City ngayong araw.

Nasikwat ni Soltones ang Most Valuable Player honors kahit nabigo ang BaliPure na makasampa sa Finals sa Open Conference.

Sa tampok na laro mamaya, haharapin agad ng Lady Stags ang Perpetual Help Lady Altas.
“We’re a veteran team and I have faith in my teammates that we’ll do better this conference,” sabi ni the 20-year-old Soltones.

Na-tiyope ang Stags noong nakaraang taon matapos ipihit bilang libero si Soltones na kilalang spiker, dahil kinailangang ipahinga ang kanyang injury sa balikat.

Isang panalo lang sa limang salang ang nailista ng San Sebastian kaya hindi sila umubra sa quarterfinals.

Gagawin nila ang lahat para makasabay ang SSC sa ibang teams.

Para sa Perpetual, maraming nagulat sa performance ng Lady Altas na kahit mga bata sa labanan ay nakapasok sila Final Four nitong nagdaang taong NCAA.

Sa ibang pares ng laban, bibinyagan ng UP ang first-timer San Beda.

Umaangas ang Lady Maroons kaya isa rin sila sa mga binabantayan ng ibang teams.