Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Grey pinangarap maglaro sa Alaska

0 169

Inamin ni Philippine Basketball Association veteran Jonathan Grey na pinangarap niyang lumaro sa Alaska Aces.

Sa isang post Huwebes sa kanyang social media account, ibinahagi ng NorthPort forward/guard ang isang larawang kasama ang idolo niyang si legend Johnny Abarrientos, ang 1996 MVP nang naglalaro pa noon sa Alaska.

Ang Aces rin aniya ang inspirasyon niyang makarating at makapaglaro din sa unang Asia’s play-for-pay hoop.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“With my childhood idol kuya @johnny_a14. And end of an era. When I was a kid, I used to watch Alaska all the time, which is why I can say that they played such a big part in making me realize my dream of heading into the PBA” litanya ng Batang Pier.

Dinagdag pa ng 30-anyos at 6-3 ang taas na basketbolista, na masaya na ring siyang nakarating ng liga dahil nakakalaban ang pangarap niyang koponan.

“While I won’t get the chance to play for my dream team anymore, it’s an honor to be able to have gone against them just before this injury. Thank you, Alaska,” panapos na wika ni Grey. (Sarah Jireh Asido)

Leave A Reply

Your email address will not be published.