Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Griffin nililigawan ng Brooklyn Nets

0 96

Mahaba-haba raw ang pila ng mga manliligaw ni Blake Griffin matapos makumpirma na nakipagkasundo na siya sa Detroit Pistons para sa buyout ng kontrata.

Binalik ni Griffin sa Pistons ang $13.3 million sa buyout. Nagkakahalaga ng $75 million ang deal niya ngayong season.

Ibig sabihin, magiging unrestricted free agent na ang dating high flyer, libre nang maghanap ng bagong team at pumirma ng bagong kontrata.

Noong nakaraang buwan ay pinamigay din ng Pistons si veteran guard Derrick Rose sa Knicks.

Dumating sa Detroit si Griffin mula Clippers sa isang trade noong 2017-18 season.

Pero napigil na ang lipad niya nitong huling dalawang taon dahil sa injuries.

Sa 20 games ngayong season, nag-average si Griffin ng 12.3 points, 5.2 rebounds at 3.9 assists.

Bawas na ang acrobats niya sa ere pero gumanda naman ang shooting sa 3-point range.

Ayon kay Shams Charania ng The Athletic, Brooklyn ang nangunguna sa mga posibleng manliligaw ni Griffin.

Kevin Durant, Kyrie Irving, James Harden at Griffin sa Nets. Mabigat.

Base naman sa ulat ni Marc Stein ng The New York Times, interesado rin sa six-time All-Star ang Lakers, Clippers, Heat at Warriors. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.