Abante Tonite Interactive

Grizzlies itatapon sina Gasol, Conley

347

Posibleng paghandaan na ng Memphis Grizzlies ang rebuilding sa napabalitang sila’y bukas na sa trade para sa kanilang dalawang superstar na sina Mike Conley at Marc Gasol.

Base sa NBA insider na si Adrian Wojnarowski, handa nang makinig sa mga trade offer ang Grizzlies matapos simulan ang kumperensya sa 19-28 kartada, 14th sa Western Conference standings.

Si Conley ay unang pumasok sa franchise noong 2007 bilang fourth overall pick ng Grizzlies, samantalang si Gasol naman ay nakuha ng koponan sa LA Lakers noong 2008, ang parehong player ay naglaro lang para sa Memphis.

Sa napipintong trade, maaalis sa Grizz ang parehong suweldo ng 2 All-Star sa kanilang cap space, si Gasol ay may $25.5 million contract para sa susunod na season samantalang si Conley naman ay kakailanganing bayaran ng $32 million.