Abante Tonite
Mabilis sa Balita

GRO na kasama ng Tsinoy sa Sogo lumutang

0 108

Lumutang na ang Guest Relation Officer (GRO) na nakaulayaw ng Fil-Chinese na nagwala at nag-amok sa SOGO Hotel at nakipaghabulan pa sa mga pulis mula Quezon City pa-Maynila, nitong Martes ng umaga.
Nagtungo sa Quezon City Police District Kamuning Police Station 10 na pinamumunuan ni P/Lt. Col. Alex Alberto ang GRO na itinago sa pangalang ‘Tin Tin’, 21, upang kasuhan ang suspek na si Arvin Tan, 46, taga-New Manila, QC.
Sa sinumpaang salaysay ni Tin Tin, sinama siya ni Tan sa Sogo pero hindi siya binayaran matapos magparaos sa kanya ang suspek.

“Nagpahinga kami konti at nakita ko na sinusunog niya yung cellphone niya gamit yung lighter. Tapos nagsalita siya ng “KAILANGAN KONG LABASAN, KASI HIRAP AKONG UMIHI, MAY BARADO, tapos nagstart na ulit kami,” kuwento ni Tin Tin.

Pagkagising umano ng GRO ay nakita na lamang niyang inaaway ni Tan ang roomboy at nang magkagulo ay sinabihan siyang ipapadala na lang ang bayad nito saka tumakas.
Nitong Martes ay binulabog ni Tan ang kalsada at maraming binanggang sasakyan matapos takasan ang operatiba ng QCPD na aaresto sa kanya.

SM food to go Banner Ad

Matapos ang habulan ay nadakma si Tan ng mga humabol na pulis-QC sa Recto Ave., sa Maynila.

Isinailalim ito sa drug test at hinihintay pa ang resulta. Patong patong na kaso ang kinakaharap nito.

Magugunitang nag-amok na rin si Tan sa Manila Police District noong September 2017 at may nakabinbing mga kaso matapos mahuling kinukunan ng video ang witness sa ‘fatal hazing’ ng law student sa UST. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.