Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Groom bistado sa rape, nagbigti

0 130

Nagpakamatay ang isang lalaki matapos maudlot ang kanyang kasal nang mabisto sa ginawa niyang panggagahasa sa sariling pamangkin, kahapon ng hapon sa Brgy. Del Monte, Tacalogon, Agusan del Sur.

Sabi ng Talacogon Police Station (TPS), ang biktima ay 32-anyos na residente ng Brgy. Del Monte ng nasabing bayan.

Ayon sa report ng TPS, naganap ang insidente alas-3:00, Huwebes ng hapon, nang makita ang katawan ng biktima na nakabitin sa sanga ng puno ng lansones ilang metro mula sa bahay nito.

Sa imbestigasyon, bago ang insidente, bumili pa ang biktima ng lubid at sinabi nitong pantali sa kalabaw.

Ilang minuto ang nakalipas, umakyat ang biktima sa naturang puno at nag-suicide.

SM food to go Banner Ad

Napag-alamang ikakasal na sana ang lalaki sa kanyang kasintahan sa darating na Agosto 8 subalit naudlot ito matapos umatras ang kanyang mapapangasawa dahil nalaman nitong ginahasa niya ang sariling pamangkin.

Hindi umano matanggap ng lalaki ang desisyon ng kasintahan at dahil umano sa malaking kahihiyan kaya nagawa niyang magpatiwakal.

Nagdesisyon naman ang pamilya na hindi na isasailalim pa sa awtopsiya ang bangkay ng biktima sa paniniwalang nagbigti ito.

Samantala, may nilunsad na hotline para sa mga Pinoy na may katanungan tungkol sa mental health, kailangan ng counseling, may kinahaharap na suliranin o nanganganib na mag-suicide.

Puwedeng tawagan ang National Center for Mental Health 24/7 crisis hotlines sa cellphone (0917-899-8727) o telepono (7989-8727 o 1553). (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.