Abante Tonite Interactive

Groundbreaking ng Marawi rehab, tuloy na

By
132

Matapos na ilang beses na naudlot, matutuloy na ang groundbreaking ng rehabilitasyon ng Marawi City.

Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Task Force Marawi Head Eduardo del ­Rosario na itinakda na sa Setyembre 19 ang groundbreaking para masimulan ang rehabi­litasyon ng nawasak na lungsod matapos ang ilang buwang giyera.
Ayon kay Del Rosario, ang China Power ang bagong developer na magsusulong sa rehabilitasyon matapos na hindi matuloy ang transaksiyon sa Bangon Marawi Consortium.

“Before we said that the groundbreaking will be as early as May, but because of numerous issues we encountered during the procurement process, so nagkakaroon tayo ng pagbabago with regard to the groundbreaking. So we are now saying that it will be on Sept. 19, the groundbreaking, but it will not affect our target deadline of completing the most affected area rehabilitation by December of 2021,” ani Del Rosario.

Nagkaroon aniya ng delay sa Bangon Marawi Consortium dahil sa mga isyung may kinalaman sa pinansiyal, legal at teknikal kaya binitiwan na lang ito.

Matatandaang naunang itinakda ng Task Force Bangon Marawi ang groundbreaking noong buwan ng Mayo subalit naipagpaliban ito nang ilang beses dahil sa ilang mga ba­lakid.

Pero sinabi ni Del Rosario na maayos ang takbo ng negosasyon sa ikalawang kumpanya kaya’t umaasa silang magtutuloy-tuloy na ang groundbreaking sa susunod na buwan.