Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Group chat susi sa PNP-PDEA MCDO ratratan

0 551

Ni Nancy Carvajal

Isa sa masusi ngayong pinag-aaralan ng National Bureau of Investigation upang matuldukan ang nangyaring shootout sa pagitan Drug Enforcement Agency (PDEA) at Quezon City Police District (QCPD) sa Mc Donalds sa Commonwealth Avenue kamakailan ay ang takbo ng `group chat’ sa mga cellphones na hawak ngayon ng ahensya.

“PDEA and QCPD police gave different version of the operation, we will know who is telling the truth based on the discussion in the group chat in the cellphones which are now being examined and analyzed,’’ ayon sa isang insider ng NBI.

Gayunman ay mabubutingting lamang anila ang mga nakumpiskang 8 cellphones kung may `warrant to examine’ nang panghahawakan ang NBI.

“We have applied for a WECD- warrant to examine computer data before a Quezon City Judge and because of the pandemic we are still waiting for the approval to examine the content of the cellphones,” saad pa ng source.

Pero dahil nasa gitna pa ng pandemya ay hindi pa sila makausad sa pag-iimbestiga at naghihintay pa ang mga ito ng `go signal.’

“This is beyond the control anyone, we just have to wait for the meantime. We have no choice but to wait for the forensic examination of the cellphones to validate the sworn statements of the participants in the incident, but without a warrant we cannot proceed,” sambit pa nito.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nabatid na bukod sa nasilip ng NBI na `operational lapses’ o maling aksyon sa naganap na engkuwentro ay sinisilip din nila ang pakikipag-deal din umano ng isang asset sa mga operatiba ng QCPD.

Bago ang insidente, lumalabas na ang mga PDEA agents na sangkot sa McDo shootout ay nagmula rin sa isang operasyon na ibinigay ng isang informant sa Maynila, subalit naging negatibo.

“The same asset led the PDEA agents to the second operation which supposed to take place where the shootout happened. It turned out the asset was dealing with the QCPD operatives,” kuwento pa ng source.

Sa ngayon ay patuloy na kinakalkal ng NBI ang sinasabing kapalpakan na naging ugat ng krimen sa pagitan ng nasabing dalawang government anti-drugs enforcement units.

“There were operational lapses committed by the two groups that could have caused the encounter, but as to other aspects like the legitimacy and explanation of their presence in the area, have yet to be studied carefully through the cellphones of the participants in the shooting,” saad pa ng source kung saan tinukoy pa nitong “coordination as the primary violation,” ang isa sa dahilan ngunit tumanggi na itong magbigay ng karagdagan pang detalye.

Bukod dito ay sinabi pa nitong nagbigay ng dalawang magkakaibang bersyon ng operasyon ang PDEA at QCPD. Ang “common denominator” lang aniya sa statement ng PDEA at QCPD pulis ay ang Quezon City.

Magugunitang nangyari ang shootout noong Pebrero 24 na ikinasawi ng lima katao – dalawa mula sa hanay ng PNP, isang PDEA agent at isang impormante.

Sa ngayon ay tanging ang NBI ang inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte na mag-imbestiga sa insidente.

Leave A Reply

Your email address will not be published.