Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Grupo ng magsasaka nainsulto sa P3B ayuda

0 50

Hindi kinagat ng isang grupo ng mga magsasaka ang inaalok ng dalawang komite ng Senado na cash aid sa kanilang hanay.

Naiinsulto umano ang mga magsasaka sa ipinasang resolusyon ng Senate committee on agriculture at agrarian reform na naglalaan ng P3 bilyon mula sa koleksyon ng taripa sa imported rice bilang cash subsidy.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ayon sa Federation of Free Farmers (FFF), kulang na kulang ito para man lang punan ang nalugi sa kanila simula ng ipatupad ang Rice Tariffication Law.

Sabi ni FFF national manager Raul Montemayor, ang pagpapataw ng karagdagang taripa sa imported rice sana ang matipid na solusyon para maawat ang pagbulusok ng presyo ng palay sa merkado.

Paliwanag niya, ang unli rice import ang dahilan kung bakit bumagsak ang presyo ng palay kaya naisip ang P3 bilyong ayuda. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.