Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Grupo ng mga Aeta nireklamo militar: Pinakain kami ng ebak

0 117

Pinakain ng dumi ng tao, binugbog at inabuso diumano ng military ang mga katutubong Aeta sa San Marcelino, Zambales na ugat ng pagsasampa nito ng reklamo laban Commission on Human Rights (CHR).

Mariing tinanggi ng Philippine Army (PA) ang nasabing alegasyon. Anila, sa engkwentro sa pagitan ng rebeldeng grupo at ng militar noong Agosto 21 sa Sitio Lumibao, Brgy. Buhawen ay may naaresto silang ilang katutubo na hinihinalang miyembro ng New People’s Army at ilan nga dito ay mga menor de edad.

“And then later on na-find out po natin na out of nine, lima po doon ay mga miyembro po ng NPA. Tatlong lalaki at dalawang babae,” ayon kay Major Amado Gutierrez na tumatayong Public Affairs Chief ng 7ID ng Philippine Army.

Sa katunayan pa umano ay dinala pa ng mga sundalo ang mga hinihinalang rebelde para i-rescue at ipagamot sa doktor. Sinabi pa ni Gutierrez na kung mapatunayan ang mga alegasyon ay hindi ito kukunsintihin at papanagutin sa kanilang mga maling aksyon.

Samatala, magkakasa ng imbestigasyon ang CHR hinggil sa reklamo.

“The Commission for its part, in conjunction with the ongoing military investigation, will be conducting its own separate investigation through its regional office to ensure impartiality and attain the truth in these allegations,” ayon kay CHR spokesperson Jacqueline Ann de Guia. (Randy Datu)

Leave A Reply

Your email address will not be published.