Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Grupo ng mga negosyante humirit ng ‘condonation’ sa Pag-IBIG

0 96

Tinatayang nasa 35,049 negosyo ang tuluyan nang nagsara noong 2020 habang nasa 710,417 ang nawalan ng trabaho kaya humiling ang ilang business groups na naapektuhan ng pandemyang dulot ng coronavirus disease (Covid-19) na bigyan sila ng condonation penalty ng PAG-IBIG at mas mahabang payment plan para ma-settle ang kanilang obligations sa mga empleyado.

Ito ang hiling ng Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI), Employers Confederation of the Philippines (ECOP), at Philippine Exporters Confederation, Inc. (PHILEXPORT) sa isang sulat para kay Pag-IBIG CEO Acmad Rizaldy Moti.

“In the spirit of helping employers recover from the effects of this pandemic, it is our earnest desire to be of assistance to our stakeholders in the myriad of burdens that they are facing during this time of national health crisis,” nakasaad sa sulat ng grupo.

Naisa ng grupo ng mga negosyante na makatulong sa paghihirap ng mga business owners na naapektuhan ng pandemic sa pamamagitan ng pagbibigay ng penalty condonation program sa mga negosyo na hindi nakakapag-remit para sa kanilang mga empleyado sa loob ng dalawang taon.

Layunun ng grupo na maiahon ang mga negosyo na naapektuhan ng pandemic na kung saan hindi na madagdagan pa ang nasa 35,049 negosyo na nagsara na.

Nangangamba ang grupo ng mga negosyante na posibleng bumagsak ng P150 billion kada linggo ang ekonomiya dahil sa ipinatutupad na lockdown sa Metro Manila na kung saan essential businesses lamang ang pinapayagan na magbukas. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.