Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Grupo ng titser hinirit Filipino sa high school

0 149

Sa pagdiriwang ng International Day of Education nitong Lunes, mu­ling iginiit ni ACT Teachers party-list Rep. France Castro na ibalik ang 9 units ng Filipino at 3 units ng Filipino literature sa kolehiyo na nakapaloob sa kanyang inihaing House Bill 223.

Gayundin ang pagmamandato para isama ang Philippine History subject sa High School Curriculum na nakapaloob naman sa kanyang House Bill 8621.

“Naghain na tayo ng Panukalang Batas 223 na naglalayong gawing mandatoryo ang siyam na yunit ng Filipino at Panitikan sa kurikulum ng kolehiyo upang mapunan ang kakulangan ng bagong General Education Curriculum at makapag-ambag sa paglinang ng ating kamalayan sa sariling wika, kultura at identidad, upang linangin at puspusang itaguyod ang ating pambansang wika, gaya ng iniaatas ng Saligang Batas.”

SM SuperKidsDay Banner Ad

Iginiit din ni Castro ang kahalagahan na maibalik rin ang Philippine History subject sa High School Curriculum.

Naniniwala ang kongresista na may masamang epekto ang kawalan ng Philippine History subject sa HS lalo na’t may nagtatangka umanong baluktutin ang kasaysayan at ibaon sa limot ang naging madilim na karanasan ng bansa sa nagdaang rehimen. (Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.