Abante Tonite Interactive

GSW event binastos ang PH flag

WALANG MODO!

By
0 265

Nabalot ng kontrobersiya ang masayang pagtitipon sana ng mga Pinoy sa San Francisco, California dahil sa palpak na paggamit sa disenyo ng bandila ng Pilipinas.

Sa ika-10 taon ng Filipino Heritage Night sa laban ng Golden State Warriors (GSW) at Phoenix Suns sa NBA elims kung saan nagwagi ang huli, 115-111, inilunsad ang ‘Sharp Sunday Line-up,’ pinilahan dito ang mga barberong Pinoy mula sa National Filipino Barbers Association (NFBA) na nagsagawa ng libreng gupit para sa madla.

Nagkaroon din ng kompetisyon kung saan nagpa-ahit ang ilang Golden State fans ng logo ng koponan bilang pagpapakita ng dedikasyon sa hinahangaang team.

Layunin ng nasabing event ayon sa report ng Inquirer base sa panayam kay Honey Mallari, asawa ng founder ng NFBA, pagbuklurin ang mga Pinoy barber sa Amerika, na madala sa Pilipinas ang mga Fil-Am barber para sa libreng pagupit at ilan pang kompetisyon.

Maganda man ang hangarin ng asosasyon, umani ito ng kritisismo dahil sa isang tool na ginagamit sa paggupit, ang barber cape.

Sa video ng TFCBalitangAmerica, kita na ginamit bilang balabal habang naggugupit ang Philippine flag motif na hindi nagustuhan ng ilang Pinoy netizen.

Sa Facebook, kumalat ang larawan na nagpatama sa paggamit ng disenyo ng bandila para pansalo sa buhok ng mga patron.

“Heritage 2019. Golden State Warriors, ginawang barber cape ang Philippine flag!!! How silly they could be!!! THIS IS DISRESPECT!!!” ayon kay FB user Luis Napoleon Rodriguez Sol III.