Abante Tonite Interactive

GSW mahirap bantayan ‘pag walang Durant – Seth Curry

504

Wala pa rin si Kevin Durant sa 110-99 win ng Golden State Warriors kontra Portland Trail Blazers Biyernes ng gabi.

Abante ang Warriors 3-0 sa Western Conference finals, mas malamang na hindi na makabalik si Durant sa kabuuan ng series. Game 4 ng best-of-seven sa Martes (araw sa Manila) sa Portland pa rin.

Hindi pa nagsasalita si Durant sapul nang abutin ng right calf injury sa third quarter ng Game 5 win kontra Houston noong West semis, pero sa Instagram ay may post siyang sagot sa tinuran ni Seth Curry, ang Portland guard na nakababatang kapatid ni Warriors star Steph.

Sa kaagahan ng linggo, sinabi ni Seth na hindi siya naniniwalang mas maangas ang Warriors na wala si Durant, pero naniniwala siyang mas mahirap silang depensahan.

“I think they are harder to guard (without him),” ani Seth. “They move around faster when he’s not out there. They’re definitely not a better team, but they’re harder to guard.”

Ibang estilo aniya ang laro ng Warriors kapag sina Steph at Klay Thompson ang focus ng opensa.

“Hell no,” komento ni Durant sa Instagram. (VE)