Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Guanzon kay Parlade: General, masamang nananakot

0 487

Nakakuha pa ng kakampi ang aktres na si Liza Soberano matapos siyang ipagtanggol ni Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon kay Southern Luzon Command chief Lt. Gen. Antonio Parlade Jr.

Sa kanyang Twitter post, bagama’t hindi pinangalanan ni Guanzon si Parlade ay pinagsabihan nito ang heneral n masamang nananakot aniya ng babae.

“It is very bad form for a general to be threatening women and accusing them of illegal acts by association with what he perceives to be communist organizations,” sabi ni Guanzon.

SM SuperKidsDay Banner Ad

May nauna pang Twitter post si Guanzon kung saan ay giniit nitong tigilan na ang red tagging at pagbabanta sa mga nagsusulong ng adbokasiya para sa karapatang pantao.

Sabi pa ni Guanzon, lahat sila sa University of the Philippines (UP) ay tinawag na mga komunista noong dekada `70.

“I broke my mourning just to say, enough of redtagging ! Focus on COVID, health and jobs,” aniya pa.

Leave A Reply

Your email address will not be published.