Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Guanzon sa mga party-list: Bantay kayo sa akin

0 53

Nagbabala ang isang opisyal ng Commission on Elections (Comelec) sa mga nagnanais maghain ng aplikasyon bilang party-list group.

Ayon kay Comelec Commissioner Rowena Guanzon, imbes na kumuha ng mga dating tauhan ng komisyon bilang abogado ay magdasal na lamang ang mga ito na hindi bumagsak sa kanyang First Division ang aplikasyon.

“Notice to all aspirants Party List groups. Do not hire former @COMELEC lawyers or election officers thinking they can bribe for you. Pray ubdont get raffled to my first division,” tweet ni Guanzon nitong Sabado, Pebrero 13.

Matatandaang ang Comelec First Division na pinamumunuan ni Guanzon ang nag-disqualify sa Duterte Youth party-list first nominee na si Ronald Cardema.

Edad 34 na kasi si Cardema para maging nominee ng Duterte Youth. Base sa batas, dapat 25-anyos at hindi lalampas sa 30 ang edad ng isang nominee ng youth sector. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.