Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Guardian Angel ng Misis, Nakita ni Mister

0 125

Ni Rey T. Sibayan

Mga ka-Misteryo nakakita na ba kayo ng guardian angel? Yan ang paksa natin ngayon: “Basta may Misteryo Alamin ang Totoo.”

Si Manuel ng Pampanga ay masayang nagkuwento nang bigla niyang makita ang guardian angel ng kanyang misis.

Misteryo: “Mukhang exciting yang kuwento mo ah. Paano mo ba nakita yung guardian angel ng misis mo?”

Manuel: “Ganito kasi nagkukuwentuhan kami ni misis tungkol sa dream niya kasi nakita daw niya dun mga spirit guide niya kaya magaan ang takbo ng kuwentuhan namin. Feeling ko that time bless na bless kami kasi very spiritual ang kuwentuhan.”

Misteryo: “I see I think yun ang nag-trigger kaya nakita mo angel ng misis mo. Sige ituloy mo ang kuwento niyong mag-asawa.”

Manuel: “So sobrang overwhelmed kami sa high spirit and good feeling then Heto na yung moment, paglingon ko sa left side ni misis may nakita akong pulsating energy para siyang kumikislap na ilaw. Noong una nag-doubt ako sa nakikita ko kaya sandali ko ipinikit eyes ko pero andun pa rin.”

Misteryo: “Wow mukhang divine being nga yung nakita mo. Ano pa na-observe mo during that time? Ano ang feeling mo?”

SM food to go Banner Ad

Manuel: “Overwhelmed ako sa energy masarap ang pakiramdam parang malamig and very comforting. Ganun ba talaga angels Hindi whole ang image light lang talaga siya. But I know may shape siya para ding tao pero kakaiba ang energy o aura.”

Misteryo: “Nasabi mo ba agad kay misis mo that same moment na nakita mo yung being?”

Manuel: “Yes nagtanong agad ako sa kanya. I asked her kung alam niya may nakatayo sa tabi niya. She answered yes kasi clairvoyant nga siya sinabi niya in details ang imahe ng angel, it’s pure light, human-like shape hindi makita ang face, no wings.”

Misteryo: “So yun ba exact image na nakita mo?” 

Manuel: “Hindi ganun kundi pulsating light lang talaga pero I know human shape siya. I know he is a good being kaya yun confirmed by my wife guardian angel niya yun.”

Hindi basta kapani-paniwala di ba but totoo yun everyone sa atin ay may guardian angel. Let’s acknowledge them always. 

Para sa inyong mga kuwentong kababalaghan, mag-email sa Misteryophilnet@gmail.com. Bisitahin ang www.reytsibayan.com at abante.com.ph.

Leave A Reply

Your email address will not be published.