Abante Tonite Interactive

Guava leaves gamot sa sakit sa balat?

ANG SA AKIN LANG

By
0 201

julius-segovia

Sa totoo lang, hindi bayabas ang ­unang pumapasok sa isip natin kapag nagha­hanap tayo ng prutas na maraming health benefits. Kung may sipon at kulang sa Vitamin C, tiyak na lemon o di kaya’y orange ang iyong kakainin. Sa­ging naman ang ‘to the rescue’ kung kulang ka ng potassium sa katawan. Pero lingid sa kaalaman ng marami, hindi lang mayaman sa Vitamins A, C at potassium ang bayabas – marami rin itong mineral contents gaya ng copper, magnesium at manganese.

Hindi lang ‘yan ang health benefits ng ba­yabas. Maging ang dahon nito, marami rin palang benepisyo. Bukod sa nakaugaliang paglaga sa dahon ng bayabas na ginagamit na panglanggas sa ari ng mga batang lalaki na bagong tuli, gamot din pala ang guava leaves sa mga sakit sa balat. Kaya goodbye na sa dark spots, wrinkles, acne at blemishes.

Dahil all-natural, epektibo at mura ito bilang skincare solution.

May antioxidant properties ang dahon ng bayabas kaya isa itong mabisang paraan para maiwasan ang kulubot sa balat.
Ika nga, excellent way ito para labanan ang premature aging. May lycopene din ang guava leaves kaya pinoprotektahan nito ang balat laban sa UV rays.

Sa mga may acne, subukan din ang dahon ng bayabas. May anti-inflammatory properties din ito na panlaban sa bacteria. Ang dapat lang gawin, i-mash ang guava leaves hanggang sa maging paste at saka i-apply sa affected ­areas.

Mabisang gamot din daw ang dahon ng ba­yabas sa skin irritation at allergies.

Kung anu-anong sabon at pampaputi na ba ang ginamit mo, pero di pa rin nawawala ang dark spots sa balat mo? Subukan din ang guava leaves paste. Sinasabing nakatutulong itong i-lighten ang dark spots. Ipahid lang ang paste sa affected ­areas, iwan nang mula 10 hanggang 15 minuto saka banlawan nang maligamgam na tubig. Araw-araw itong gawin para makita ang resulta.

Mabisang panlaban din daw ang dahon ng bayabas sa blackheads. Haluan­ lang ng distilled water ang mashed guava leaves, saka ito i-apply sa ilong at T-zone kung saan madalas maraming blackheads. Mainam na gawin ito araw-araw para mas maging epektibo.

Dagdag-kaalaman lang ang impormasyong ito kaugnay sa dahon ng bayabas. Hindi nito layong palitan ang gamot na bigay ng iyong doktor. Ang sa akin lang, importante pa ring komunsulta sa eksperto para makasiguro.