Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Gubat sa Ciudad binastos MECQ, kinandado

0 656

Ipinasara ng mga awtoridad ang isang kilalang resort sa Caloocan City nitong Linggo dahil umano sa paglabag sa mga health protocol habang nasa ilalim pa ng modified enhanced community quarantine (MECQ) ang Metro Manila.

Base sa ulat, inutos na ni Mayor Oscar Malapitan ang pagpapasara sa Gubat sa Ciudad na matatagpuan sa Barangay Bagumbong matapos mag-viral sa social media ang larawan na nagpapapasok ng tao ang nasabing resort kahit nasa MECQ pa ang lungsod.

Sa naturang litrato ay hindi lamang nagpapasok ng tao ang resort, kung hindi dagsa pa ang mga naliligo sa isang swimming pool.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sinabi na rin umano ni Malapitan na ipababawi nito ang business license ng nasabing resort.

Ang mga establisimiyento katulad ng mga resort ay maaari lamang magbukas sa publiko sa ilalim ng general community quarantine at modified general community quarantine.

Ang Caloocan City ay kasama sa NCR Plus na nasa ilalim pa ng MECQ hanggang Mayo 14. (Mark Joven Delantar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.