Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Gubat sa Ciudad nilabag contact tracing protocol – DILG

0 309

Aminado ang Department of the Interior and Local Government (DILG) na nahihirapan sila sa paghanap ng mga nagtampisaw sa pinasarang Gubat sa Ciudad resort sa Caloocan City.

Ayon kay DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya, sa 496 guest na dumumog sa naturang resort, tanging 108 pa lamang ang kanilang na-trace.

Dahilan ni Malaya, kulang-kulang ang impormasyon sa mga logbook at guest stub ng Gubat sa Ciudad.

“Mahirap nga po ang contact tracing sa sitwasyon na ito dahil marami pong kapabayaan ang management ng resort. In fact, hindi po kumpleto `yong mga impormasyon na nakalagay doon sa kanilang logbook o kanilang guest stubs,” lahad ni Malaya.

Aniya, 72 indibiduwal na ang sumalang sa antigen COVID-19 test ngunit hindi pa lumalabas ang resulta.

Matatandaan na pinasara ang naturang resort dahil nagbukas sa kabila ng pinapatupad na modified enhanced community quarantine (MECQ) sa Metro Manila.

Nalaman din na hindi nabigyan ng accreditation ng Department of Tourism ang nasabing resort.

Nabatid na karamihan umano sa mga guest ng resort ay mula sa Caloocan, Bulacan, Malabon, Maynila, Quezon City at Valenzuela City na pawang nasa ilalim pa rin ng MECQ.(Raymark Patriarca/Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.