Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Guce abante sa finale

0 63

Pumoste si Clarissmon ‘Clariss’ Guce ng two-under par 70 patungo sa halfway mark 3-under 141 upang kumapit sa pagtabla sa pang-18 puwesto sa pagpasok sa last round finals ng 16th Symetra Tour 2021 17th leg $175K (P8.7M ) 4th Guardian Championship sa Capitol Hill Golf Club Pratville sa Alabama Linggo (Lunes sa Manila).

May 71 ang ang 31-year-old, 2016 two-time ST titlist US-based Pinay sa opening round noong Biyernes saka hindi natapos ang second round nitong Sabado dahil sa masamang lagay ng panahon at humaaba ng isang araw ang 54-hole stroke play, 116-player, three-day golfest.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Mula sa 18-way tie sa 18th spot, 10 na lang ang nasa nasabing posisyon na napag-iiwanan ng siyam na palo ni solo leader American Janie Jackson (66-132). May four-shot edge siya sa kapwa mga local bet na sina Sierra Brooks (66) at Katelyn Dambaugh (67).

May 64 ang mga lalaro sa finals sa pagka-cut ng 56 na shotmaker sa palaro ng second-tier ST, na kilala ring ‘Road to the LPGA’. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.