Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Guce, Ardina sa finals

0 174

Swak sina Clariss Guce at Dottie Ardina sa 60-player cuto finals makaraan ang halfway mark ng Carolina Golf Classic sa Pinehurst No. 9 Course sa North Carolina, United States nitong Huwebes (Biyernes, Manila time).

Pero binulabog ng hangin ang 30-year-old US-based Pinay na nanalo ng dalawang korona sa 11th Symetra Tour (ST) 2016, kaya nagkasya lang sa three-over 75 para maiwan na ng anim na palo at malaglag sa sisx-way tie sa fifth spot sa lider pa ring si Ana Belac ng Slovernia (71-137).

Related Posts
SM SuperKidsDay Banner Ad

Iwan lang two strokes at katabla sa tersera si Guce sa opening round sa torneong nagsisilbing ikasiyam sa pinaigsi ng Dovid-19 na 10 parte ng 15th ST 2020.

Ang isa pang pambato ng ‘Pinas na si Dottie Ardina naka-75 din pa-148 upang makihanay sa 11 magkakabuhol para sa ika-28 puwesto, habang may lima ang magkakasalo sa 149 kasama si Fil-Am Demi Runas na nagkalat sa 78 at mahilera sa 39th slot. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.