Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Guce, Ardina wala nang tsansa sa titulo

0 226

Bumitaw na sa paglaban sa korona sina Clariss Guce at Dottie Ardina pagkaraan ng penultimate round ng $175K ninth Symetra Classic 2020 sa LPGA International Golf Club-Jones Course sa Daytona Beach, Florida Sabado (Linggo sa Manila).

SM food to go Banner Ad

Isa pang 71 ang inilista ni US-based Guce para sa 212 at mapunta sa six-way tie sa 26th spot, habang si may 73-214 si Ardina na nagsama sa kanya sa 10 magkakabuhol sa ika-35 puwesto, 10 at 12 strokes ang layo nila sa nag-iisa sa tuktok na si Peiyun Chien ng Taiwan (70-202).

Isang palo ang bentahe ng Taiwanese kay American Lucy Li (68-203) patungo sa final round sa Linggo. Nasa ikatlong posisyon si Fatima Fernandez Cano ng Spain sa 70-206. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.