Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Guce balik sa Symetra

0 156

Mapuwersang babalik si Clarissmon ‘Clariss’ Guce sa 16th Symetra Tour 2021 third leg – $200K 1st Casino Del Sol Golf Classic – sa Sewailo Golf Club sa Tucson, Arizona sa April 15-18 (16-19 sa ‘Pinas).

Babawi ang 30-year-old, PH-born, US-based Pinay at six-year Symetra veteran mula sa kambal na bangungot, pagsablay sa cut sa unang dalawang yugto ng official golf development tour ng Ladies Professional Golf Association (LPGA) Tour $200K 1st Carlisle Arizona Golf Classic noong March 18-21 at sa Mar 26-28 na $150K 9th IOA Championship sa California.

SM food to go Banner Ad

Pinakamagarang taon niya sa ST nang makadale ng dalawang korona noong 2016 sa Danielle Downey Credit Union Classic na nagkakahalaga ng $30K ₱ (1.4M), at Decatur-Forsyth Classic na may katapat na ng $19.5K (₱947K).

Naka-19 na torneo naman na si Guce sa dalawang taong pagkampanya sa LPGA Tour. May 16 events noong 2019 at tatlo nitong 2020. Ang best finish niya sa isang event ay 12th place sa Indy Women in Tech Championship sa Indianapolis na may kaakibat na $33,573 (₱1.6M) cash prize. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.