Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Guce bubuwelo sa Symetra

0 171

BABALIKWAS mula sa masaklap na dalawang torneo si Clarissmon ‘Clariss’ Guce sa 16th Symetra Tour 2021 third leg – $200K 1st Casino Del Sol Golf Classics sa Sewailo Golf Club sa Tucson, Arizona ngayon (Biyernes, oras sa Maynila).

Mintis sa cut ang 30 taong-gulang, isinilang na Pinay na nakabase sa Estados Unidos at nasa ikaanim niyang taon sa Symetra, sa unang dalawang yugto ng official golf development at qualifiying tour ng Ladies Professional Golf Association (LPGA) Tour.

Ang mga ito ay sa $200K 1st Carlisle Arizona Golf Classic noong Marso 18-21 sa AZ at $150K 9th IOA Championship sa California noong Mar. 26-28. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.