Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Guce kumakasa, naka-69 sa IOA

0 154

BUMAWI agad sa masaklap na umpisa si Clariss Guce upang disente pa ring makakartada ng 3-under par 69 sa opening round ng 5th IOA Championship Presented By Morongo Casino Resort & Spa 2020 sa Morongo Golf Club sa Tukwet Canyon sa Beaumont, Californina nitong Biyernes.

Tinalupan ng 30-taong-gulang, may 5-2 taas na Pilipinang-Amerikana, nasa limang taong beteranang pro at ‘Pinas ang dinadala rito, ang first hole sa double bogey.

SM food to go Banner Ad

Naka-birdie-bogey siya at dalawa pang birdie para sa 36 sa front nine, saka nakatatlong birdie sa back pa-33.

Iwan lang si Guce ng five stroke sa solo leader na si USA bet Anna Redding (64), may dalawang palong abante sa kalahi niyang si Kim Kaufman (66) sa 129 player three-day golfest. Kabuntot na may 67s sina Israeli Laetitia Beck at American Sierra Brooks. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.