Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Guce may P82K, Ardina P54K

0 75

Nabiyayaan ng $1,703 (P82K) si Clariss Guce sa pagtabla sa anim na nasa ika-26 na puwesto (71-212), habang $1,154 (P54K) si Dottie Ardina sa pagbuhol sa 10-way tie para sa 35th place (73-214) sa wakas nitong Linggo sa kinanselang final round ng ninth Symetra Classic 2020 sa LPGA International Golf Club-Jones Course sa Daytona Beach, Florida.

SM food to go Banner Ad

Binaha ang golf course sa Sabado ng gabi hanggang Linggo ng madaling araw nap ag-ulan kaya hindi na mapaglaruan at ipinasya ng organizer na maging 54-hole na lang ang kompetisyon na kinopo ang korona ni Peiyun Chien ng Taiwan via one stroke win (70-202) laban kay Lucy Li ng USA (68-203).

Salo sa tersera si Spanish Fatima Fernandez Cano (70-206) at Amerikanang si Anna Redding (72-206). (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.