Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Guce P1M kinita sa Symetra Tour

0 50

Tinapos ni Clarissmon ‘Clariss’ Guce ang sixth season niya sa 16th Symetra Tour 2021 sa kinitang $21,284 (P1,081K) sa pagsabak sa 19 sa 20 legs sa USA nitong Linggo (Lunes sa Manila).

May siyam na sablay sa finals ang 31 year-old US-based shotmaker, kabilang ang last two stages, samantalang ang best finish at biggest paycheck ay nang pumang-anim sa 14th leg FireKeepers Casino Hotel Championship sa Michigan noong Aug. 8 kalakip ang $5,373 (P274K).

Ang lowest naman ay $669 (P34K) sa pagsalo sa 57th place sa 6th leg Symetra Classic noong May 16 sa North Carolina.

Patuloy na inaalat si Guce sapul nang makakopo ng dalawang korona sa kanyang 2016 rookie year sa magkasunod na buwan ng July at August, pinamayagpagan ang Danielle Downey Credit Union Classic sa New York at Decatur-Forsyth Classic sa Illinois.

Limang taon na siyang uhaw sa korona sa second-tier ladies pro circuit na kilala ring ‘Road to the LPGA Tour.’ (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.