Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Guce, Pagdangan abante sa finals

0 191

Palaot sa two-round finals sina Clarissmon ‘Clariss’ Guce at Bianca Isabel Pagdanganan sa halfway mark ng 16th Symetra Tour 2021 eight leg, $200K (P9.6M) Mission Inn Resort and Club Championship sa MIRAC ng Howey-In-The-Hills sa Florida Sabado (Linggo sa ‘Pinas).

May thee-over par 76 si Guce para sa two-day total 147 at mahanay sa six-way tie sa 30th spot, eight strokes behind kay solo leader Taiwanese Min Lee (65-139) na abante ng isang tira kina Chinese Hexi Yuan (70-140) at hometown bet Samantha Wagner (71-140).

SM food to go Banner Ad

Nakatipa si Pagdanganan ng 72-150 upang mahanay sa 12 magkakabuhol para sa ika-49 na puwesto, habang pending pa si Dottie Ardina na one-under at maari ring makasulong sa finals. Out na si Pauline del Rosario na may 80-153 na nasa 14-way tie sa 82nd slot. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.