Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Guce pang-18, may P105K

0 55

Dahil sa masamang panahon, napilitan ang organizers na gawing 36-hole ang 54 na butas na kompetisyon ng 16th Symetra Tour 2021 17th leg $175K (P8.7M ) 4th Guardian Championship sa Capitol Hill Golf Club Pratville sa Alabama na natapos na nitong Lunes (Marte sa Manila).

Sa 71-70=141, tumabla sa siyam na iba para sa pang-18 puwesto ang US-based Pinay na si Clarissmon ‘Clariss’ Guce na may katumbas na $2,077 (P105K) sa tinapos na mga aksiyon, hindi na ipinalo ang last 18-hole bunsod sa walang puknat na ulan sa dalawang araw.

Nagkampeon si home bet Janie Jackson na may 12-under 132 sa back-to-back 66, four shot win sa kapwa Amerikanang sina Sierra Brooks at Katelyn Dambaugh. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.