Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Guce pang-21, P101K kinita

0 65

Nagposte ng closing one-over par 73 (37-37) si Clarissmon ‘Clariss’ Guce para bumuhol sa piton a umokupa ng pang-21 puwesto na may $1,986 (P101K) bawat isa sa pagtiklop ng 16th Symetra Tour 2021 18th leg $150K (P7.5M ) 6th Murphy USA El Dorado Shootout sa Mystic Creek Golf Club sa El Dorado, Arkansas Linggo (Lunes sa Manila).

May double-bogey-bogey at dalawang birdie sa front nine, at bogey-birdie sa back nine ang 31 taong-gulang na Pinay na nakabase sa Estados Unidos na tumapos ng five-over par 221 kasama ang 72 at 76, 10-shot down kay champion Kum-Kang Park ng Korea na may 65-211 sa two-stroke win na may kalakip na $26,250 (P1.3M).

Bumuntot sa Koreana sina hometown bet Lilia Vu (68), Korean Yaeeun Hong (73) at Fatima Fernandez Cano ng Spain (75) na may 213. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.