Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Guce pumapalag sa Symetra round 1

0 69

Pumoste si Clariss Guce ng four-under 68 sa mapuwersa niyang simula sa mahigit dalawang taon para maiwan lang ng solo leader na si Slovenian Ana Belac ng dalawang palo sa pag-uumpisa ng Carolina Golf Classic sa Pinehurst No. 9 Course sa North Carolina nitong Miyerkoles (Huwebes, Manila time).

Nagpakitang may ibubuga ang 30-year-old US-based Pinay nang makadalawang kampeonato sa 11th Symetra Tour (ST) 2016, sinandalan ni Guce ang long game upang makatayo sa disgrasyang bogey sa unang butas , nakaapat na birdie sa sumunod na 10 holes at bumawing muli sa sa isa pang bogey sa ika-13 sa birdie sa ika-15-16.

SM food to go Banner Ad

“I was just a little apprehensive about the driver, but I felt like today was actually really good. I was able to give myself a few good looks and roll a few in and got lucky in a couple of breaks too so everything kind of went my way,” bulkalas ng dalaga, huling tumira ng kagayang -4 sa Danielle Downey Credit Union Classic opener noong Hulyo 2018.

Kabuhol sa tersera ni Guce si American Taylor Totland, habang solo sa ikalawang puwesto sa 67 ang isa pang Kana na si Allison Emrey sa torneong nagsisilbing ikasiyam sa pinaigsi ng Dovid-19 sa 10 parte ng 15th ST 2020.

Isa pang Philippine bet, si Dottie Ardina ang kasama sa walo sa ika-35 puwesto nang mag-1 over 73, habang kabailang sa 14 na nasa 15th spot si Fil-Am Demi Runas na naglalaro para sa Estados Unidos sa 72-hole, four-day event. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.