Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Guce salo sa ika-40, may P48K

0 167

Nilitaw ni Clarissmon ‘Clariss’ Guce ang pinakamaangas na palo sa apat na araw, one-under par 71 pa-two-over 290 sa pagsosyo sa lima para sa ika-40 puwesto na may $993 (P48K) sa wakas ng 16th Symetra Tour 2021 third leg – $200K 1st Casino Del Sol Golf Classic sa Sewailo Golf Club sa Tucson, Arizona nitong Linggo (Lunes sa Maynila).

Unang paycheck ito ng 2016 two-time leg titlist sa taong ito makalipas ang kambal na sablay sa finals ng unang dalawang yugto ng ‘Road to the Ladies Professional Golf Association Tour.’

SM food to go Banner Ad

Pero malayo ng 17 strokes ang huling hirit ng 30-anyos na Pinay na anak ng hinete at nakabase sa Estados Unidos, kay Chinese Ruixin Liu na dinale ang ikalawang sunod na korona sa pagdaig kay Swiss Morgane Metraux sa second hole playoffs (birdie-par) tapos ng identical 215 nila sa regulations.

Subsubukang mahigitan ni Guce ang tinapos sa paghampas sa fourth leg – $200K 1st Copper Rock Championship – sa Copper Rock Golf Course sa Hurricane, Utah sa April 22-24 (23-25 sa ‘Pinas). (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.